Pinasok ng mga armadongs suspek ang isang television network sa Ecuador.
Naganap ang insidente habang naka-ere ang Guayaquil-based network na TC television na pag-aari ng gobyerno.
Nagpaputok pa ang mga suspek at pinadapa ang mga empleyado ng nasabing tv network.
Ayon sa National Police ng Ecuador na mayroon na rumesponde na sa lugar ang kanilang special units.
Ang nasabing insidente ay kasunod ng pagdeklara ni President Daniel Noboa ng state of emergency matapos na nakatakas ang high-profile gang leader na si Adolfo “Fito” Macias.
Mula ng ideklara ang state of emergency ay nasa pitong police ang dinukot.
Maraming mga sasakyan din ang sinunog ng mga pinaniniwalaang gang members.
Nakabantay na rin ang Armed Forces ng Ecuador sa lugar para tulungan ang mga otoridad na maaresto muli si Macias.
















