President Lenin Moreno
President Lenin Moreno/ IG post

Nagdeklara ng state of emergency si Ecuador President Lenin Moreno.

Kasunod ito sa malawakang kilos protesta sa iba’t-ibang bahagi ng nasabing bansa.

Inirereklamo ng mga nagpoprotesta ang pagtanggal na ng apat na dekada na ng fuel subsidies.

Sinabi ni Interior Minister Maria Romo, umabot na sa 19 katao ang inaresto dahil sa pagharang sa mga kalsada at ibang krimen na kabilang sa ilang libong nagprotesta.