Kumbinsido ang economic team ng pamahalaan na naniniwala ang hanay ng mga mamumuhunan sa sinseridad ng Punong Ehekutibo upang masawata ang katiwalian.
Ayon kay Secretary Frederick Go , naniniwala silang appreciative ang business community sa kampanya ng Pangulong Marcos laban sa korapsyon.
Hindi naman aniya lingid sa kaalaman ng mga nasa sektor ng pagnenegosyo na si Pangulong Marcos ang gumawa ng inisyatibo para mabuyangyang/ malantad ang malawakang anomalya na nagaganap sa flood control projects.
Dagdag ni Go na naniniwala silang wala ring duda sa hanay ng mga negosyante kung pag- uusapan ay sinseridad ng Chief Executive para tugunan ang matagal ng problema sa korupsiyon.
Matatandaang ang Pangulo mismo ang nagbunyag ng malawak na katiwalian sa mga proyektong may kinalaman sa pagresolba sana sa baha na unang inilahad nito sa kanyang pinakahuling State of the Nation Address o SONA.