-- Advertisements --
Tiwala ang economic managers ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na malalampasan ng gobyerno ang 2023 revenue target nito.
Kasunod ito sa mas pinaigting na paniningil ng tamang buwis.
Ayon sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) na maaring umabot sa kabuuang P3.90 trilion ang inaasahang revenue collection ng bansa.
Noong Abril kasi ay inilaan ng economic managers ang revenue goal ng P3.73 trillion ngayong taon at P4.184-T naman sa 2024 habang P4.692-T sa 2025.
Ang DBCC ay pinamumunuan ng Budget chief at binubuo ng mga kalihim ng National Economic and Development Authority (NEDA), Finance at ang governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).