-- Advertisements --

Lumagpas na sa 1,000 ang kaso ng ebola na naitala sa Democratic Republic of Congo, at kumitil ang pinakabagong outbreak ng kabuuang 254 katao.

Halos lahat ng kaso ay nasa Ituri province sa hilagang-silangang parte ng bansa.

Sa kabuuan, nasa tatlong probinsiya apektado ng Ebola: ang Ituri, North Kivu at South Kivu, na tahanan ng 15 milyong mamamayan.

Kumalat na rin ang virus sa karatig na Uganda, kung saan nakapagtala ang World Health Organization (WHO) ng 20 kaso at dalawang pagkasawi, bagamat nananatiling kontrolado ang sitwasyon noong mga unang bahagi ng Hunyo.

Ang outbreak sa bansa ay sanhi ng Bundibugyo strain, na wala pang panlaban na bakuna o lunas sa ngayon.

Matatandaang, idineklara ng WHO ang international public health emergency dahil sa ebola at ibinabalang posibleng magtagal ng ilang buwan ang outbreak.