Tinapos ni Filipina tennis star Alex Eala ang kanyang kampanya sa WTA 1000 Madrid Open na may kabuuang premyong €47,195 o humigit-kumulang P3.3 million matapos umabot sa ikalawang round sa parehong singles at doubles.
Sa singles, nakakuha si Eala ng €31,585 matapos talunin si Anastasia Pavlyuchenkova sa unang round.
Gayunpaman, natapos ang kanyang laban nang matalo siya kay Elise Mertens sa sumunod na yugto.
Samantala, sa doubles, naka-group niya si Zeynep Sönmez kung saan matagumpay nilang napanalunan ang kanilang unang laban.
Ngunit natalo sila sa round of 16 laban kina Katerina Siniakova at Taylor Townsend.
Sa kabila nito, nakapagtala si Eala ng bagong career-high sa doubles rankings matapos umakyat sa No. 87 mula sa dating No. 101.
Susunod na sasabak si Eala sa Catalonia Open mula Abril 27 hanggang Mayo 3 bilang paghahanda sa Italian Open.
Kabilang sa mga makakaharap niya sa torneo ang top seed na si Canadian-Filipina na si Leylah Fernandez at iba pang matataas ang ranggo sa mundo.
















