-- Advertisements --
Pasok na sa quarterfinals ng Guangzhou Open si Alex Eala at Nadiia Kichenok ng Ukraine sa womens’ doubles.
Ito ay matapos talunin nila si fourth seeds Emily Appleton ng Great Britain at Qianhui Tang ng China sa score na 6-4, 6-2.
Nagkaroon ng magandang chemistry sina Eala at Ukrainian tennis player kaya nadomina nila ang laro.
Susunod na makakaharap nila sina Polina Kudermetova at Kamilla Rakhimova para sa quarterfinals ng torneo.
















