-- Advertisements --
Sasabak ngayong araw si Pinay tennis player Alex Eala sa first round ng Suzhou WTA 125 tournament sa China.
Makakaharap nito ang 32-anyos na Polish player na si Katarzyna Kawa mamayang alas-10 ng umaga oras sa Pilipinas.
Nasa ranked 57 si Eala habang si Kawa ay nasa ranked 124 ng Women’s Tennis Association (WTA).
Ito na ang pangalawang paghaharap ng dalawa na ang una ay noong nakaraang tatlong taon sa W60 Templeton sa International Tennis Federation kung saan nabigo si Eala.
Mula noong ay nag-improved ang kanilang mga laro lalo na si Eala noong nagkampeon ito sa Guadalajara Open sa Mexico noong nakaraang mga linggo.