Magsisimula na ngayong araw Abril 15 ang paggamit ng e-Travel systems ng mga biyahero papalabas at papasok ng bansa.
Ayon sa Bureau of Immigration (BI) ang nasabing sistema ay para mapabilis at maging convenient ang proseso sa paliparan.
Sinabi naman ni Immigration Commissioner Norman Tansingco an ang e-Travel system ay isang single data collection platform para sa mga arriving at departing passengers sa bansa na pinagsama ang border control process, health surveillance at economic data analysis.
Kasama nila ang ibang ahensiya na siyang nag-isip para ito ay maisakatuparan.
Sa bagong sistema na ang lahat ng mga pasahero at crewmembers na dumarating sa bansa ay kailangan magrehistro sa etravel.gov.ph sa loob ng 72 oras bago ang kanilang pagdating.
Ang hindi nakapagrehistro ay sasamahan ng tauhan ng mga paliparan at dadalhin sa quarantine office.