-- Advertisements --
Pinaalalahanan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang publiko na ipinagbabawal pa rin ang E-sabong.
Kasunod ito sa Executive order 9 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ipinalabas noong Disyembre 28, 2022 na nag-aatas ng agarang suspensiyon ng operasyon ng E-Sabong.
Naglabas din ang NTC ng memoranumd na nag-aatas sa mga telcos, internet service providers, value-added service providers, satellite service providers, TV at radio stations na sumunod sa nasabing Executive order.
Sa nasabi ring Executive order na inatasan ng pangulo ang Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) na makipag-ugnayan sa kapulisan at ilang ahensiya para matiyak na nasusunod ang nasabing direktiba.