Dwayne Johnson
Dwayne Johnson/ IG post

Nahigitan na ni Dwyane “The Rock” Johnson si reality tv star Kylie Jenner bilang 2020 Instagram leading earner.

Sa inilabas ng social media platform na 2020 “Instagram Rich” list aabot sa $1,015,000 kita ng actor sa nasabing social media.

Aabot rin sa mahgit 187-M ang IG followers din nito.

Nasa $986,000 lamang kada kada post ang kita ni Jenner na siyang pumangalawa.

Habang pangatlong puwesto naman si Cristiano Ronaldo na mayroong ($889,000 per post) at pang-apat si Kim Kardashian na mayroong $858,000 na kita kada post.

Pang-limang puwesto naman si Ariana Grande na mayroong ($853,000), Selena Gomez ($848,000), Beyonce Knowles ($770,000), Justin Bieber ($747, 000), Taylor Swift ($722,000) at football star Neymar da Silva Santos Junior ($704,000).