Nagpahayag ng interest na tumakbo bilang pangulo ng US ang actor na si Dwayne ‘The Rock’ Johnson.

Sinabi nito na tatakbo lamang ito sa pagpangulo kapag mayroon itong sapat na suporta mula sa mga tao.

Mula pa noong nakaraang mga taon ay ilang beses ng nagpahiwatig na tumakbo sa pagkapangulo ang 48-anyos na actor.

Layon nito sa pagkatakbo ay para magkaisa ang mga estado.

Hindi naman na binanggit ng dating wrestler at tinaguriang highest paid actors kung anong partido ang kaniyang sasamahan.