-- Advertisements --

Tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na may malaking magandang epekto para sa mga atleta ng bansa kapag operational na ang Philippine Sports Training Center.

Pinangunahan kasi nito ang groundbreaking ng nasabing pasilidad na matatagpuan sa Bagac, Bataan.

Ang 25-hectare na lupain ay doon itatayo ang 39 sports facilities para sa aquatics, athletics, gymnastics, weightliftign, taekwondo at maraming ibang mga sports.

Sa kaniyang talumpati nakikita nito na magkakaroon na ng world-class athlets ang bansa na kayang makapag-uwi ng maraming gintong medalya para sa bansa.