-- Advertisements --
Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na ang susunod na presidente ng bansa ay dapat decisive at compassionate na abogado.
Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Duterte na isa sa mga magandang katangian ng isang presidente ay ang pagiging isang abogado.
Makakatulong aniya ang pagiging abogado sa pagbuo ng mga desisyon dahil batid nito ang mga repercussions ng mga hakbang na dapat gawin.
Iginiit din niya na dapat compassionate, decisive at makatao ang isang pangulo.
Mababatid na sa nalalapit na halalan, 10 ang tumatakbong kandidato sa pagka-pangulo.
Tanging sina Vice President Leni Robredo at Dr. Jose Montemayor lang ang abogado sa 10 mga presidential aspirants.