Duterte signing
Pres. Rodrigo Roa Duterte

Pormal ng nilagdaan na ni PanguRodrigo Duterte ang panukalang batas para sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ginawa ito ni Pangulong Duterte sa isang ceremonial signing sa MalacaƱang kagabi.

Layon ng batas na ilipat sa December 2022 ang dapat sanang Barangay at SK elections na gaganapin sa Mayo sa susunod na taon.

Kaugnay nito, mabibigyan ng pagkakataon ang mga nakaupong barangay at SK officials na magpatupad ng mga polisiya at programa na naapektuhan ng delay sa pagpasa ng budget.

Ang mga nasabing local officials ay mananatili sa pwesto maliban na lang kung sila ay masuspinde o masibak sa pwesto.

Magugunitang ito na ang ikatlong pagkakataong makansela ang Barangay at SK elections simula nang umupo si Pangulong Duterte.

Ang pinakahuling eleksyon ay naganap nito lamang May 2018.