-- Advertisements --
Duterte face mask IATF

Pinayuhan umano ng kaniyang doctor si Pangulong Rodrigo Duterte na iwasan na ang pag-inom ng alak.

Kasunod ito ng impormasyon sa kanya na malapit na sa Stage 1 cancer ang kaniyang Barrett’s esophagus.

Ang naturang pahayag ay ibinigay ng Pangulo sa kaniyang talumpati nitong nakalipas na Martes ng umaga.

Bago ito nababanggit na rin ng Pangulo na mayroon na siyang myasthenia gravis, Buerger’s disease, acid reflux, Barrett’s esophagus at spinal issues.

Nauna nang pinabulaanan ng Palasyo na nagtungo ang Pangulo sa Singapore para magpagamot.

Makailang beses na ring ipinagtanggol ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa mabuting kalagayan naman ang kalusugan ng Presidente.