Binuweltahan ni Vice President Leni Robredo ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa paggamit ng military para matiyak ang mapayapang halalan sa 2022.
Iginiit ni Robredo na hindi dapat ito ginagamit bilang scare tactic kahit pa nagbabala si Duterte sa mga nagtatangkang imanipula ang reslta ng halalan at posibleng pagkakaroon ng karahasan.
Bagama’t lagi namang maasahan ang mga sundalo sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, sinabi ni Robredo na hindi naman kailangan na sa lahat ng oras kunin ang kanilang serbisyo sa pagpapatupad ng bawat polisiya.
“Ang militar kailangan natin yan e. ‘Di sila kailangan katakutan. Given naman ‘yun kapag elections talagang tumutulong sila to maintain peace and order,” ani Robredo.
“Pero sana huwag nagagamit ang institutions para sa pananakot. Ang feeling ko lang noong nabasa ko ‘yung balita, ano ba naman ‘yan? Ganu’n na naman, every time gusto natin mag-enforce ng policy, gagamitin ang militar. Mali ‘yun,” dagdag pa nito.