-- Advertisements --

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais ng China na isantabi ng Pilipinas ang Permanent Court of Arbitration (PCA) ruling para ituloy ang joint oil and gas exploration deal sa mga pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea.

“Set aside your claim… They want to explore and if there is something, sabi nila, ‘We would be gracious enough to give you 60 percent.’ Forty [percent] lang ang kanila. That is the promise of Xi Jinping,” ani Pangulong Duterte.

Sinabi ni Pangulong Duterte, pabor siya sa nasabing kondisyon ni Chinese President Xi Jinping para matuloy ang economic activity.

Kasabay nito, muli namang binanatan ni Pangulong Duterte si dating Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario na siyang dahilan umano kaya nawala sa possession ng Pilipinas ang Scarborough o Panatag Shoal.