-- Advertisements --

Pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga empleyado ng Bureau of Customs (BOC) na tinanggal dahil sa katiwalian.

Dinaluhan nina Executive Secretary Salvador Medialdea, Finance Secretary Carlos Dominguez III, presidential spokesman Salvdor Panelo at mga opisyal ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Bantay sarado ng Philippine Coast Guard ang mga sinakyang bus ng mga BOC employees na nagtungo sa Malacañang grounds.

Sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica, na naging kalmado ang pangulo sa pakikipagpulong sa mga miyembro ng BOC.

Pinayuhan pa aniya ng pangulo ang mga ito na malaya silang magtungo sa korte dahil sa pagkakatanggal sa kanilang trabaho.

Pinasalamatan naman ni Panelo ang mga BOC dahil sa pagdalo sa pagpapatawag sa kanila na nagpapakita na may respeto pa rin sila sa pangulo.

Maguguintang noong nakaraang linggo ay inanunsiyo ng pangulo na maraming empleyado ng BOC ang kaniyang tinanggal sa puwesto dahil sa alegasyon ng kurapsyon.