Malakit pa rin ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Sinabi nito na ang lumabas na ulat ay napag-usapan kung sino sakali ang uupo sa customs bago pa man maitalaga si Guerrero.

Inamin ng pangulo na may mga reklamong kurapsyon ang ipinarating sa kanilang opisina kaya kakausapin niya si Guerrero.

Nauna ng lumabas ang ulat na inialok ng pangulo ang posisyon ng Customs commissioners sa isang kilalang negosyante ng Davao City.