Hindi na nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamahagi ng lupain sa Davao City matapos na atakihin ito ng migraine.

Ito mismo ang kinumpirma ng dating Special Assistant to the President Christopher Bong Go.

Nilinaw ni Go na walang dapat ikabahala sa nasabing migraine ng pangulo.

Tanging si Davao City Mayor Sara Duterte ang nanguna sa ceremonial distribution ng mga certificates of land ownership award sa Davao nitong Biyernes na ginanap sa University of Mindanao.

Bukod sa nasabing kaganapan ay hindi na rin nakadalo ang pangulo sa People’s Political Grand Rally sa Crocodile Park Grounds.