-- Advertisements --

Bukas pa rin ang Pangulong Rodrigo Duterte sa peace negotation sa mga komunistang grupo kahit na may utos ito sa mga Armed Forces of the Philippines (AFP) na tugisin ang mga ito.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, na seryoso ang Pangulo at ang tanging nagiging problema lamang ay ang kabilang grupo na patuloy ang pag-atake sa gobyerno.

Nauna rito, inatasan ng Pangulo ang mga sundalo na tugisin ang mga criminal syndicates at terror groups kabilang na ang New People’s Army para matapos na ang problema ng bansa.

Magugunitang inutusan din niya si Labor Secretary Silvestre Bello III na puntahan si Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison para sa muling pagbubukas ng usaping pangkapayapaan.