Bibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pabuya ang ilang miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakapatay sa tinuturong pinakamalaking supplier ng party drugs sa bansa.

Isinagawa ng pangulo ang anunsiyo sa campaign rally ng PDP-Laban sa probinsiya ng Isabela.

Ayon sa pangulo na nakausap niya mismo si PDEA Director Aaron Aquino at dito tiniyak na makakatanggap ng P1.5 million ang kaniyang mga kasamahan dahil sa pagpatay kay Steve “John” Pasion.

Magugunitang napatay ng PDEA si Pasion matapos manlaban sa isinagawang anti-drug operations sa kaniyang condominium sa Sta. Cruz, Manila noong Lunes ng gabi.

Nakuha sa kustodiya ng suspek ang P6 million halaga ng shabu at tatlong bote ng liquid ecstac na nagkakahalaga ng P75,000 at mga drug paraphernalia.

Ayon pa sa PDEA na may mga artista at celebrities ang napatay na suspek.