-- Advertisements --

Nakatakdang maglabas ng bagong Suggested Retail Price (SRP) sa mga pangunahing bilihin ang Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, na nagkaroon ng epekto sa mga presyo ng bilihin ang ilang kaganapan gaya ng inflation na nararanasan sa ibang bansa.

Isa rin na dahilan para magpatupad ng mahigpit ng price control ay ang desisyon ng Department of Agriculture na mag-angkat ng mga pulang sibuyas.

Maaring sa huling linggo ng Enero ay mailalabas na nila ang bagong price matrix ng mga pangunahing bilihin.

Kabilang kasi ang kalihim sa biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Switzerland mula Enero 16 haanggang 20 para sa pagdalo sa World Economic Forum.