-- Advertisements --

Inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bagong listahan ng price guide para sa mga school supplies.

Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na ni-revise niya ang “Suggested Retail Price” o SRP list para sa school supplies dahil hindi detalyado ang lumang listahan.

Ang listahan ay may mga tatak at mga detalye na.

Para sa mga notebook, kasama sa bagong gabay ang laki, number of leaves, kalidad ng papel, brand name, at kahit na mayroon silang generic o character na disenyo.

Ang impormasyong ito ay makakatulong sa mga magulang at mag-aaral na ihambing ang mga presyo sa mga tindahan.

Ngunit para sa Philippine Stationers Association, hindi na kailangang maglabas ng SRP sa mga school supplies, sabi ng pangulo nito na si Charles Sy.

Dagdag pa niya, sa pangkalahatan ay mababa ang presyo ng mga gamit sa paaralan.

Mahirap ding magtakda aniya ng presyo dahil may mga ordinaryong brand at premium ang ilang items.