-- Advertisements --

Umapela ang pamunuan ng Department of Health sa publiko na panatilihin ang kaayusan at kalinisan sa mga evacuation centers.

Ayon sa ahensya, sa ganitong paraan ay matitiyak na maiiwasan ang pagkalat ng ibang mga sakit.

Binigyang diin ng ahensya na ang marumi at mabahong lugar ay mapanganib sa kalusugan dahil ang mga lugar na ito ay maaaring tirahan ng mga daga, langaw, at lamok na nagdadala ng iba’t ibang sakit.

Ipinaalala ng DOH ang tamang pagtatapon ng basura, paghihiwalay ng nabubulok at di-nabubulok na basura, paggamit ng sariling reusable na kubyertos, tasa, at bote,

Punto ng ahensya, kailangan ng pagtutulungan sa panahong ito upang mapanatili ang kalinisan at kaligtasan sa mga evacuation areas.