-- Advertisements --
PInagpapaliwanag na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ilang mga vape shop owners na nagbebenta ng mga makukulay at nakaka-enganyong mga vape products sa mga kabataan.
Ayon kay DTI Assistant Secretary Ann Claire Cabochan, na kanilang kinumpiska na ang ilang mga vapes sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila.
Base kasi sa Vape Law na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng makukulay na uri dahil sa ito ay nakakaakit sa mga menor de edad para bumili ng nasabing mga vape products.
Nauna rito sinita ng ilang mga senador ang DTI dahil sa hinahayaan nila ang talamak na pagbebenta ng mga vape products.