-- Advertisements --

Ipinapasa na lamang ng Department of Trade and Industry (DTI) ang “shrinkflation” phenomenon sa mga manufacturers.

Sinabi ni DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, ito ang kaparaanan ng mga manufacturers na paliitin o bawasan ng bigat ang kanilang produkto para mapanatili ang presyo.

Dagdag pa nito na malaya ang mga manufacturers na gawin ito at itinuturing na business desisyon ang nasabing pagbabago ng mga produkto basta hindi nasasakripisyo ang kalidad ng produkto.

Maari lamang gumalaw ang kanilang ahensiya kapag may paglabag sa Price Act.