-- Advertisements --

Inamin ni Trade Usec. Ruth Castelo na maging sila ay limitado ang kapangyarihan sa posibleng pagtaas ng “noche buena products.”

Ito ang sinabi ni Castelo sa exclusive interview ng Bombo Radyo, kahit tumaas pa lang kamakailan ang ilang grocery items.

Paliwanag ng opisyal, hindi ganap na kontrolado ng DTI ang ibang food items, dahil may mga produktong saklaw naman ng Department of Agriculture (DA).

Habang ang iba pang “noche buena products” ay hindi rin pasok sa basic commodities.

Isa sa inaasahang magtataas ang presyo ay ham, batay na rin sa abiso ng Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI).

Nabatid na 2019 pa sila huling nakapagpairal ng price increase o bago pa man ang panahon ng pandemya.

Dahil sa mga panibagong adjustment, maglalabas ang DTI sa Oktubre ng bagong price guide para sa kanilang mga binabantayang produkto sa merkado.