-- Advertisements --

Pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI ) ang mga mamamayan na bumili ng mga produkto na gawa sa mga lokal.

Ito ay para makabangon ang ekonomiya ng bansa mula ng manalasa ang COVID-19 pandemic.

Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, na hindi lamang dapat mga native products ang bilihin ng mga tao at sa halip ay yung gawang local.

Inihalimbawa nito ang pagbili ng mga produktong delata na gawang local ay siyang magpapalakas ng negosyo ng mga manufacturers.

Mahalaga aniya ang nasabing pagbili ng mga local products lalo ngayong panahon na ng Christmas season.