-- Advertisements --
Plano ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) na higpitan ang pagbabantay laban sa mga online sellers ng mga face mask.
Ito ay matapos maiparating sa tanggapan na maraming mga negosyante ang nananamantala sa pamamagitan ng pagbebenta ng mataas na presyo.
Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, na base sa kanilang natanggap na reklamo ay mas mataas ang bentahan ng mga online sellers kumpara sa itinakda nilang presyo.
Nararapat aniya na ang mga surgical mask ay mabibili sa halagang P8.00 sa kada piraso.
Tiniyak naman nito na masasampahan ng kaukulang kaso ang mga maaarestong mapagsamantalang negosyante.