-- Advertisements --
Nasa P22 biliyon na halaga ang naipamigay ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) sa 4.7 million na benepesaryo ng social amelioration program (SAP) dahil sa coronavirus pandemic.
Ayon kay DSWD Undersecretary Camilo Gudmalin na mayroong mahigit P6 bilyon ang naipamigay sa mahigit na isang milyong hindi miyembro ng 4P’s.
Mayroong mahgiit P16.3 bilyon ang naibigay sa mga 4Ps benepisaryo sa kanilang cash card sa buong bansa.
Naibigay na rin ang P74.5 B na pondo sa 1,359 na lokal na pamahalaan sa buong bansa.