-- Advertisements --

Ipinasuri na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Food and Drugs Administration (FDA) ang mga samples na inireklamong expired na de-latang tuna.

Ang nasabing hakbang ay base na rin sa rekomendasyon ng Fact-finding Board ng makipagpulong sila sa mga kinatawan ng dalawang suppliers ng mga food items sa Family Food Packs (FFP) na ipinapamahagi ng ahensiya.

Ayon sa DSWD na magsisilbi na third party ang FDA na siyang magdedetirmina kung ligtas na kainin ng mga benepesaryo ang mga de-lata na kanilang ipinapamahagi.

Magugunitang inireklamo ng mga residente ng Oriental Mindoro na apektado ng oil spill ang hindi kaaya-ayang amoy na umanoy lasang expired na mga tuna na ipinapamahagi.