Hinihintay pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapalabas ng Department of Finance (DOF) ng P9.7 bilyon na pondo para sa financial assistance sa mga kabahayan na naapektuhan ng inflation.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez, na iponoproseso na nila ang pagpapalabas ng tig P1,000 na cash para sa 9.3 milyon na kabahayan na naapektuhan dahil sa inflation.
Una ng sinabi kasi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na maaaring maglabas ang gobyerno ng P1,000 na tulong na cash sa ilalim ng extended Targeted Cash Transfer (TCT) na unang inilunsad ng nagdaang administrasyon.
Bukod aniya sa cash aid sinabi pa ni Diokno na magpapamigay ang gobyerno ng subsidiya gaya ng fertilizer discount voucher, fuel discount para sa mga magsasaka at mangingisda at fuel subsidy para sa mga transport sector.