-- Advertisements --

Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na huwag maniwala sa mga online post na ginagamit ang kanilang opisina para magbigay agad ng tulong pinansiyal.

Ayon sa ahensiya na wala silang programa na nagbibigay ng mabilisang tulong pinansiyal.

Maaari lamang makakuha ang publiko ng tulong mula sa kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program na magbibigay ng tulong medical, burial, tranportasyon, educational assistances at ilang kahalintulad nito.

Nakipag-ugnayan na sila sa iba’t-ibang ahensiya para maaresto ang mga nasa likod ng gumagamit ng kanilang opisina para makapanloko.