CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang tulak droga nang manlaban sa pulisya sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang napatay na si Aladdin Odin Sangcupan,37 anyos,may asawa at residente ng Brgy Dados Datu Odin Sinsuat Maguindanao.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Arnold Santiago na nagsagawa ng drug buybust operation ang Datu Odin Sinsuat PNP sa Brgy Poblacion Datu Odin Sinsuat sa pangunguna ni Major Rommel Dela Vega.
Ngunit natunugan umano ng suspek na mga pulis ang kanyang ka-transaksyon kaya ito ay nanlaban.
Napilitan ang mga otoridad na gumanti ng putok kay Sangcupan.
Patay ang suspek nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.
Narekober sa posisyon ni Sangcujpan ang isang kalibre.45 na pistola,mga bala,2 magazine,shabu at mga drug paraphernalia.
Sa ngayon ay pinaigting pa ng DOS PNP ang kampanya laban sa pinagbabawal na droga.
















