-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang drug personality matapos ang isinagawang buy bust operation sa siyudad ng Naga.

Kinilala ang suspek na si Roman Austria, 44, residente ng Brgy. Peñafrancia sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office (NCPO), lumalabas na matapos ang transaksiyon, napansin ng suspek ang presensiya ng mga pulis at dito na nito binunot ang kanyang baril rason para gumanti rin ng putok ang mga otoridad.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan ang suspek na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, narekober dito ang iligal na droga na pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng nasa P13,000.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.