Ligtas na sana sa kaso ang isang drug dealer na inaresto ng pulis pero nabuking nang aksidenteng ipakita ang cellphone na nandoon pala ang malawak na taniman ng marijuana sa isang lugar sa Britanya.

Una rito, pinara ng mga pulis ang kotse sa Rainton Bridge area ng Houghton-le-Spring dahil sa kahina-hinalang pagkilos.

CANNABIS MARIJUANA UK

Sa paghalughog ng mga otoridad ay nakaamoy sila ng marijuana sa sasakyan.

Pero wala namang nakita droga sa dalawang lalaki na sakay.

Hindi rin maintindihan ng mga pulis ang salita ng mga sakay ng kotse na hindi gumamit ng salitang Ingles.

Dahil dito nag alok ang sakay ng kotse na buksan ang App na Google translate sa cellphone.

Laking gulat ng sakay ng kotse nang aksidente mabuksan ang video ng marijuana plantations na daglian namang isinara.

Dito na inamin ang plantasyon hanggang sa magsagawa ng malaking raid
Northumbria Police.

Inaresto naman ang dalawang suspeks na edad 38 at 22-anyo.

Ang mga ito ay pansamantalang nakalaya dahil sa piyansa.