-- Advertisements --

Napabagsak ng United Nations peacekeeping mission sa Lebanon ang drone ng Israel.

Ayon sa UN na lumipad ang drone na agresibo habang sila ay nagpapatrolya sa border ng bayan ng Kfar Kila.

Itinuturing nilang isang ‘defensive countermeasures’ ang kanilang ginawa.

Nagbagsak pa ng granada ang drone malapit sa kanilang kinaroroonan.

Paliwanag naman ng Israeli military na nagsasagawa lamang sila ng ‘routine intelligence gathering-activity’ sa lugar.