-- Advertisements --

Nagsagawa ng underwater search and rescue (SAR) operation ang Philippine Coast Guard (PCG) upang hanapin ang tatlong pasaherong nawawala matapos tumaob ang isang bangka sa Mapanuepe Lake, San Marcelino, Zambales, noong Agosto 27, 2026.

Agad na rumesponde ang mga PCG divers at nagsagawa ng underwater search sa lugar upang matukoy ang kinaroroonan ng mga nawawalang pasahero. Gayunman, pansamantalang itinigil ang operasyon dahil sa sama ng panahon dala ng habagat.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, nagkaroon ng pag-ulan habang isinasagawa ang operasyon na nag resulta sa zero visibilty dahilan para pansamantalang itgil ang paghahanap.

Sinabi ng PCG na ipagpapatuloy ang search and rescue operation sa sandaling bumuti ang lagay ng panahon at maging ligtas para sa mga rescuers ang kondisyon. Patuloy namang nakatutok ang mga awtoridad sa insidente habang isinasagawa ang mga kinakailangang hakbang para sa paghahanap sa tatlong nawawalang pasahero.