-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Israeli military na kanilang napatay sa drone strike ang isang mataas na lider ng Hamas.

Si Qais Bitawi ay itinuturing na mataas na kumander ng Hamas ay napatay sa drone strike sa bayan ng Jenin sa West Bank.

Tinarget kasi ng Israel ang ilang lugar sa West Bank kung saan nagtatago si Bitawi.

Inakusahan naman ng Palestine Red Crescent Society ang Israeli military na kanilang ikinulong ang kanilang mga kasamahan.

Pinalaya ng Israeli military ang mga crew ng hindi dinadala ang mga sugatan biktima dahil sa strike.