-- Advertisements --
Ibinunyag ng Russian military na kanilang naharang ang mahgiit 20 drones mula sa Ukraine.
Ang nasabing mga drones ay tinangkang atakihin ang teritoryo ng Russia kabilang ang Moscow.
Isinagawa ng Ukraine ang atake matapos ang ginawang malawakang pag-atake ng Russia noong nakaraang mga araw.
Ayon sa Ministry of Defense ng Russia na mayroong 24 Ukrainian drones ang kanilang nasira na dumaan sa teritoryo ng Moscow, Tula, Kaluga, Bryansk at Smolensk.
Walang nadamay na mga sibilyan sa nasabing mga drone attacks mula sa Ukraine.