-- Advertisements --

Naitabla na ng Bay Area Dragons sa 2-2 ang best of seven finals ng PBA Commissioners Cup sa pagitan nila ng Barangay Ginebra 94-86.

Nanguna sa panalo si Kobey Lam na nagtala ng 30 points habang mayroong tig-18 points sina Glen Yang at Zhu Songwei.

Naging matindi ang ginawang depensa ng bawat koponan dahil mayroong 12 points na kalamangan pa ang Ginebra hanggang tuluyang mahabol ito ng Dragons sa last quarter.

Nasayang naman ang nagawang 23 points ni Ginebra import Justin Brownlee.

Bago kasi ang laro ay ginawaran si Brownlee ng PBA Best Import Award habang si Scottie Thompson ay ginawaran bilang best Player of the Conference.