Nagbaon ng 18 3-pointers ang nag-iinit na Miami Heat upang ipako ang dumayong Portland Trail Blazers, 122-111.

Namayani sa Heat si Goran Dragic na nagtala ng 29 points at 12 assists, kasama na ang pagduplika nito sa kanyang career-best na pitong 3-pointers.

Hindi rin nagpaawat si Bam Adebayo na pumoste ng 20 points sa kanyang 9-for-10 shooting para hindi kailanman lingunin ng Heat ang Blazers.

Samantala, sumandal ang Portland kay Damian Lillard na nagrehistro ng 34 points at 12 assists.

Ang dati namang Heat na si Hassan Whiteside, na inulan ng kantiyaw sa mga Miami fans sa tuwing hawak nito ang bola, ay nagtapos na may 21 points at 18 rebounds para sa Portland.

-- Advertisement --

Bibisita ang Trail Blazers sa Portland sa Toronto sa Miyerkules, habang nasa Indiana naman ang Heat sa Huwebes.