Nasa kustodiya na ng Manila Police District Station 3 sa Quiapo, Manila ang drag queen na si Pura Luka Vega matapos na siya ay naaresto.
Inaresto siya dahil sa warrant of arrest matapos ang pag-viral ng kaniyang “Ama Namin” performance.
Kinasuhan siya ng Hijos del Nazareon ang grupo ng mga deboto ng Black Nazarene.
Inalabas ng Manila Regional Trial Court Branch 36 na pinamumunuan ni Acting Presiding Judge Czarina Encarnacion Samonte-Villanueva ang warrant of arrest laban kay Amadeus Fernando Pagente sa tunay na buhay.
Mayroong inirekomendang P72,000 na piyansa para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.
Bukod sa mga Hijos del Nazareno ay nagsampa rin ng kaso ang ilang Christian group leader na nasa ilalim ng Philippines for Jesus Movement sa Quezon City dahil sa paglabag nito ng Article 201 ng Revised Penal Code.
PInabulaanan din ng kampo nito na hindi sila dumalo sa anumang pagdinig na itinakda ng korte.
Nasa 12 bayan at lungsod sa bansa ang nagdeklara rin kay Pagente bilang persona non grata.