-- Advertisements --
Patuloy ngayon ang pamunuan ng Department of Public Works and Highways sa pagsasagawa ng mga serye ng consultations sa buong bansa.
Nilalayon ng hakbang na ito na gawing mas epektibo ang pagsasaayos ng mga kalsada sa Pilipinas.
Sa isang pahayag ay sinabi ng ahensya na bahagi ito ng pagsasaayos ng Philippine Highway Maintenance Management Manual sa CAR, Regions 1, 2, at 3.
Kung maaalala, nagsagawa na rin konsultasyon sa NCR, Regions 4-A, 4-B, at 5 .
Dito ay tinutukan ang pagkuha ng feedback mula sa field engineers sa naturang lugar.
Ayon kay BOM Director Gene Ryan Altea, malaki ang ambag ng pag update ng manual ng sa gayon ay matugunan ang hamon ng urbanisasyon .