Reading Time: 1 minute

Nagisa ni Senate committee on public services chairperson Sen. Grace Poe si Transportation Sec. Arthur Tugade, sa pagpapatuloy ng inquiry para sa panukalang emergency powers para sa problema sa trapiko.

Ayon kay Poe, nabigyan sila ng kopya ng mga nais magawa ng gobyerno kapag naipagkaloob ang emergency power, ngunit karamihan dito ay hindi angkop sa isyu ng traffic.

Kabilang sa gusto ng DOTr na gamitan ng special power ang pagbili ng software para sa facial recognition sa paliparan, paglalagay ng bakod sa Clark airport at pagbili ng ilang ambulansya.

Samantala, natuklasan din na ang nais na provincial bus ban ay hindi pala kasama sa ‘original dream plan; ng ahensya.