Hinikayat ng Department of Transportation (DOTr) ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na maglagay ng End-of-Trip (EOT) facilities sa mga paaralan bilang promosyon ng aktibong mobility lalo na at inaasahan ang pagtaas ng bilang ng mga pasahero.
Nakasaad sa DOTR order 2020-014 na ang mga batang edad 15 pataas ay maaring gumamit ng bicycle lanes sa national at primary roads basta sila ay ginagabayan ng mga nakakatanda.
Sinabi ni DoTr Secretary Jaime Bautista na ang mga pasilidad ay kinabibilangan ng parking spaces para sa mga bisikleta, bike racks at showers.
Umaasa din ang DOTR na maglalaan ang Department of Interior and Local Government at Manila Development Authority (MMDA), na dagdag na tauhan para magbantay sa lagay ng trapiko.