Handang mag-isyu ng mga special permits ang Department of Transportation (DOTr) para a mga pampublikong transportasyon sa Davao upang matiyak na magiging available pa rin ang tranportasyon sa rehiyon sa kabila ng doublet earthquake.
Ayon kay DOTr Acting Scretary Giovanni Lopez, batay sa nagging mga pinakabagaong ulat ng mga pasilidad sa Davao Region ang nananatiling operational ngunit kulang sa ma ruta na maaaring madaanan at magamit.
Ayon pa kay Lopez, patuloy na silang nakikipagugnayan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang makapagbukas ng mga dagdag na ruta para sa maalwang transportasyon sa rehiyon.
Aniya, sa mga ganitong pagkakataon, kailangang matiyak na maaaring mag-out of route ang mga Love Bus para mas madaming mga pasahero ang kanilang maisakay at mapagsilbihan.
Samantala, maliban dito, nananatiling operational ang lahat ng mga paliparan at pantalan maliban sa dalawa na matatagpuan sa mati na siyang nagtamo ng malalaking danyos.