Narekober ng Philippine Navy ang hindi bababa sa P214 milyong halaga ng hinihinalang cocaine sa katubigan sa bahagi ng Palawan.
Ayon sa PH Navy, namataan ng BRP Ladislao Diwa ang mga iligal na droga na palutang-lutang sa katubigan ng Palawan habang nagsasagawa sila ng Maritime and Sovereignty Patrol (MARPAT) operations sa lugar sa ilalim ng Western Naval Command.
Ayon naman sa Western Naval Command, namataan ang dalawang sako sa layong 1.2 nautical miles Timog-Silangan ng Piedras Point sa Puerto Princesa kung saan ito ay kalaunang napagalamang mula sa isang local fishing boat.
Samantala, agad naman na na-turn over ang mga narekober na shabu sa Naval Intelligence and Security Group-West katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Palawan para isailalim sa evaluation at tests ang mga iligal na droga.